Naranasan mo
na ba na pag-gising mo yung taong nagpaligaya sayo yung taong nandyan palagi
sayo yung sandigan mo. Ngayon hindi na mahalaga para sayo hindi na katulad ng dati
may sparks na twing nakikita mo sya abot
langit ang ngiti mo. Pero parang isang kisap mata na magbabago na ang lahat, na
natauhan ka na sa panahong sinayang mo na maging masaya ka kasama ang mga
kaibigan mo dahil ikaw ay nag kukulong sa iyong kwarto nag-iiiyak. Ngayon
napagod ka na kasi alam mong wala na, hindi na pwede, at wala nang mangyayari
pa katulad noon. Pero ganon talaga ang buhay may mga bagay na panandalian lang
yung tipong dumaan lang sa buhay mo tapos pag gising mo wala na minsan pag
gising mo fully recovered ka na at naka moved on ka na talaga sanay ka na wala
sya sa tabi mo.
Tapos ang
nakakinis lang bigla bigla nalang sya darating lalo na naka moved on ka na at
sinabi pa na mahal ka pa niya. Ang hirap lang kasi buoin ang bagay na basag na pero
ngayon itatanong mo sa sarili mo sino nawalan? Ako ba o sya?